Showing posts with label holy week. Show all posts
Showing posts with label holy week. Show all posts

Sunday, April 8, 2007

IPINAKITA NIYA SA KANILA KUNG HANGGANG SAAN ANG KANYANG PAG-IBIG: PAGDIRIWANG NG PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON

Ang araw ng Biyernes Santo ay para sa paggunita ng pagpapakasakit ng Panginoon, ang kanyang ginawang pag-aalay ng kanyang sarili para sa buong sangkatauhan at ang pagpaparangal sa krus na banal. Sa araw na ito hindi gaganapin ang kahit anong sakramento kahit Misa kung kaya’t ang ating liturhiya sa araw na ito ay walang Liturhiya ng Eukaristiya. Kahit walang Misa, ang liturhiya sa hapon ay bahagi ng Triduo na nagsimula noong gabi ng Huwebes kung kaya’t dapat makibahagi ang pamayanan dito.

Sa umaga, gawain ng Simbahan ang Panalangin sa Umaga (Morning Prayer) ng Panalanging Kristiyano sa Maghapon (Liturgy of the Hours). Malinaw na mas mataas ang gawaing ito sa iba pang panalangin i.e. Daan ng Krus kung kaya’t hindi dapat ito isantabi ng parokya. Ito ang tamang araw para gawin ang Daan ng Krus at hindi habang ginagawa ang Bisita Iglesia. Ang Daan ng Krus ay hindi dapat isabay sa liturhiya sa hapon. Maganda na gawin ito pagkatapos ng Panalangin sa Umaga.

Dapat bigyan ng tamang pagpapahalaga ang Panalangin sa Umaga at Pagdiriwang ng Pagpapakasakit ng Panginoon na pawang Liturhiya kaysa sa gawain debosyonal sa simbahan gaya ng Siete Palabras at Daan ng Krus. Hindi ibig sabihin ay tatanggalin ang Siete Palabras at Daan ng Krus, bagkus dapat itong mga gawaing ito ay tumuturo pabalik sa liturhiya sa araw na ito. Ang mga debosyong ito ay mga dagdag lamang sa panalangin ng Simbahan (i.e. Liturhiya).

Pangkalahatang Pakiramdam
Mahalaga sa pagdiriwang na ito ang pangkalahatang pakiramdam (ambiance) kung kaya’t maraming pagkakataon para sa tahimik na panalangin, walang gayak ang santuaryo, walang mga bulaklak, kandila at mantel ang altar, walang paglalahad ng kamay ang pari, at wala ring mga pagbati.

Pagpapatirapa
Magsisimula ang pagdiriwang sa tahimik na pagbalik sa santuaryo ng pari. Walang awit, walang maringal na prusisyon, ni hindi tatayo ang mga tao. Ang mga lingkod ay nakapuwesto na. Tahimik na lalakad ang paring tagapamuno mula sa sakristia papunta sa harapan ng dambana at doon sa harap nito ay dadapa ito. Lahat ng mga tao ay magsisiluhod at tahimik na mananalangin.

Liturhiya ng Salita
Matapos nito, tatayo ang tagapamuno at ang lahat ng natitipon. Hindi hahalikan ang altar. Magtutungo ang pari sa kanyang upuan at sasabihin ang panalangin. Hindi niya ilalahad ang kanyang kamay, ni hindi siya magsasabi ng ‘Manalangin tayo.’ Matapos nito, ipahahayag ang Salita ng Diyos. Sa unang pagbasa, maririnig natin ang isa sa mga awit ng nagdurusang lingkod ng Panginoon na tumuturo kay Kristo. Ayon sa ikalawang pagbasa, ginanap ni Kristo ang kanyang pagkapari sa kanyang kamatayan, inalay niya ang kanyang sarili gaya ng pag-aalay ng kordero, para ipagkasundo ang Diyos at sangkatauhan at iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Kung maaari ay aawitin ang Salmong Tugunan at dahil walang pagpaparangal sa Mabuting Balita, maaaring awitin ang koro ng Ubi Caritas o salin nito. Walang pagbati sa simula ng Mabuting Balita, wala ring pagkukrus sa aklat at sa noo. Maaaring ipamahagi ang pagpapahayag ng Mabuting Balita sa ilang tao habang pari ang gumaganap sa bahagi ni Kristo, ang bahagi ng taumbayan (crowd) ay maaaring ibigay sa mga tao habang pinamumunuan ng mga lingkod sa pag-awit (choir). Hangga’t maaari ay angkop ang boses ng gaganap sa tauhan sa pagbasa. Maaari ring gawing parang drama sa radio ang pagpapahayag ng pagpapakasakit at haluan ng awit ngunit hindi maaaring palitan ang pagpapahayag ng pag-awit ng Pasyon o ng isang pagtatanghal ng senakulo. Hindi palabas ang liturhiya. Ingatang huwag maging katawa-tawa ang gagawing pagpapahayag. Kapag mahusay ang pagganap sa bahaging ito, maaantig ang puso ng mga natitipon. Maaaring paupuin ang mga tao ngunit kailangan pa rin nilang tumayo at lumuhod – iminumungkahi na paupuin sa simula, patayuin kapag ipinapasan na kay Kristo ang krus, paluhurin sa punto ng kamatayan at patayuin hanggang katapusan.

Panalanging Pagkahalatan
Pagkatapos ng pagpapahayag, hindi hahalikan ang Aklat. Sabi sa Sakramentaryo, maaaring magbigay ng maikling homiliya o paliwanag pagkatapos. Pagkatapos nito, gaganapin ang Panalanging Pangkalahatan. Ang ginawang pag-aalay ng buhay ni Kristo ay para sa kapakanan ng lahat kung kaya’t ipinapanalangin sa sampung panalangin ang lahat – ang Simbahan, ang Papa, ang Obispo, Kaparian at lahat ng kaanib ng Simbahan, ang mga Inihahanda sa Binyag, ang pagkakaisa ng lahat ng Kristiyano, ang mga Hudyo, ang mga hindi Kristiyano, ang mga hindi naniniwala sa Diyos, ang mga umuugit sa pamahalaan at ang mga may tanging pangangailangan. Ang anyo ng Panalanging Pangkalahatan sa Biyernes Santo ay ang anyo na likas sa Simbahang Romano noong sinauna (ang anyo na ginagamit natin sa araw-araw ay nagmula sa Eastern Rite). Tatayo ang mga tao sa paanyayang manalangin at luluhod para manalangin at tatayong muli kapag pinahahayag ng tagapamuno ang panalangin. Maaari rin namang tumayo o lumuhod na lang ang lahat sa buong Panalanging Pangkalahatan. Pero kung luluhod, tandaan na pagkatapos nito ay luluhod na naman ang tao sa Pagpaparangal sa Krus na Banal.

Pagpaparangal sa Krus na Banal
Sa Pagpaparangal sa Krus na Banal, isang krus lamang ang gagamitin. Lalambungan ito ng pulang tela; sa paghahanda, dapat tandaan na unang tatanggalan ng takip ang ulunan, tapos ang kanang braso at tatanggalin sa huli. Mayroong dalawang paraan ng pagtatanghal sa krus at sa parehong paraan ipuprusisyon ang krus na may lambong patungo sa altar kasama ang dalawang lingkod na may dalang kandila. Sa unang paraan, dadalhin ito patungong altar kung saan tatanggapin ito ng tagapamuno sa gawi ng dambana at gagawin ang mga pagtatanghal sa lugar na ito. Sa ikalawang paraan, bababa ang tagapamuno at siya ang magpuprusisyon nito mula sa pintuan ng simbahan at gagawin ang pagtatanggal ng lambong at pagtatanghal sa pintuan, sa gitna ng simbahan at sa may gawi ng dambana. Tatanggalin ang lambong sa ulunan at itataas niya ito habang inaawit ang paanyaya at tutugon ang mga tao, pagkatapos, tatanggalin ang lambong sa kanang bahagi, muling itataas ito habang inaawit ang paanyaya at tutugon ang mga tao at sa pangatlo, tatanggalin ang buong lambong at itataas muli ang krus at gagawin ang sagutan. Matapos nito, ilalagay ang krus sa santuaryo sa pagitan ng dalawang kandila. Luluhod ang pari, mga lingkod at ang sambayanan sa harap ng krus at isa-isang pararangalan ito sa pamamagitan ng nakagawian i.e. paghalik. Maaari rin naman, kung masyadong marami ang mga tao at magtatagal (at dahil isa lang ang krus na maaaring gamitin), ay sabay-sabay na magparangal ang lahat sa pamamagitan ng pagluhod at tahimik na manalangin at saka na lamang pahalikan ang krus matapos ang pagdiriwang. Habang pinaparangalan ng krus na banal ay maaaring awitin ang mga Hinanakit (Reproaches) o ibang angkop na awitin.

Pakikinabang
Pagkatapos ng Pagpaparangal, gaganapin ang Komunyon, ang pakikinabang natin sa nasirang katawan ni Kristo. Lalagyan ng mantel at corporal ang altar. Tahimik na maghihintay ang lahat habang kinukuha ng tagapamuno/diakono/lingkod sa pakikinabang ang Banal na Sakramento. Maaaring maupo at tahimik na manalangin ang lahat. Ipapatong ang mga ciborium sa altar at mananalangin ang lahat ng Panalangin ng Panginoon. Pagkatapos nito, walang Panalangin para sa Kapayapaan at walang Kordero ng Diyos. Tahimik na magdadasal ang pari at pagkatapos, gaganapin ang pakikinabang sa karaniwang paraan. Pagkatapos nito, ang mga matitira ay ibabalik sa Altar of Repose o sa Tabernakulo, ngunit maaari rin na ubusin na lamang ito at mag-iwan na lang para sa mga maysakit.

Walang Paghayo
Pagkatapos ng Panalangin Pagkapakinabang, gaganapin ang pagpapanalangin sa sambayanan at wala muling paghayo. Maaaring iwan ang krus para sa patuloy na pagpapahalik at maaari na ring magsimula ang prusisyon ng Santo Entierro. Pagkatapos ng prusisyon ng Santo Entierro, maaaring ilagay ang imahen sa simbahan para sa mga tao.

Jeffrey Velasco
Hango mula sa Paschales Solemnitatis, Missale Romanum, Historical Development of Good Friday ni Genaro Diwa, Tatlong Araw na Pagdiriwang ng Pagpapakasakit at Muling Pagkabuhay ng Panginoon ni Msgr. Andres Valera

Christus Anesti, Alithos Anesti: Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Pagpaparangal sa Ilaw

Magsisimula ang Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay (Easter Vigil) sa Pagpaparangal sa Ilaw (Service of Light). Gagawin ito sa isang lugar sa labas ng simbahan, hangga’t maaari sa lugar na kung saan makakapagprusisyon nang may bahagyang kahabaan ang mga tao. Sisindihan ang isang apoy at mula sa apoy nito ay sisindihan ang Cirio Paschale (Paschal Candle). Sa paghahanda ng apoy na ito, tandaan na hindi ito palabas kung kaya’t hindi kailangang gumamit ng pyrotechnics o ng karaniwang ginagamit na ‘bulalakaw.’ Naibabaling kasi sa mga ito ang pansin ng lahat sa halip na sa Cirio Paschale na sa panahon ng Pasko ng Pagkabuhay ay tanda ng Panginoong Muling Nabuhay. Hindi rin kailangang malaki ang apoy dahil ipangsisindi nga ito ng kandila. Babasbasan ng tagapamuno ang apoy.

Ihahanda ng tagapamuno ang Kandila ng Pagkabuhay. Sa paglalagay ng mga tanda sa Kandila, gumamit ng espesyal na stylus – tandaan na ang ginagamit sa liturhiya ay hindi dapat basta-basta. Maaaring bago gawin ito ng pari ay magbigay ng katekesis ang commentator tungkol sa mga tandang ito o kahit bago pa ang pagdiriwang (kahit bago pa ang Triduo). Pagkatapos ihanda, ito ay sisindihan at iinsensuhan (ang uling ay sisindihan sa parehong apoy). Ang apoy ay hahayaan hanggang sa ito ay maubos (hindi maaaring sadyang patayin sapagkat ito’y binasbasan). Itataas ng diakono o ng tagapamuno ang Kandila habang sinasabi ang nakasaad sa Aklat ng Pagmimisa at tutugon naman ang tao. Lalakad ang lahat, pinangungunahan ng Cirio Paschale na dala ng diakono o ng tagapamuno. Pagsapit sa pintuan ng simbahan, itataas muli ng diakono o tagapamuno ang Kandila habang sinasabi ang nakasaad sa Aklat na tutugunan naman ng mga tao. Sisindihan ng lahat ang kani-kanilang kandila mula sa apoy ng Kandila ng Pagkabuhay. Magsisipasok ang lahat sa simbahan. Lalakad ang diakono o tagapamuno patungo sa dambana. Dito, itataas muli ang Kandila at magsasagutan. Sa tradisyon ng Simbahang Romano, sa ikatlong paanyayang ito sinisindihan ang lahat ng ilaw ng simbahan. Pero para sa mga Pilipino nakagawian nang patay ang ilaw hanggang Gloria, sapagkat ayon sa paliwanag, hindi pa magliliwanag habang Lumang Tipan pa ang binabasa – wala pa si Kristo. Ang Kandila ng Pagkabuhay ang tanda ni Kristong muling nabuhay.

Ilalagay ang Kandilang ito malapit sa Ambo, at ang liwanag nitong kandilang ito ang magsisilbing ilaw para pagnilayan ang Salita ng Diyos. Maaaring insensuhan ang Kandila. Sa buong panahon ng Pagkabuhay, itong kandilang ito lamang ang tatabi sa Hapag ng Salita (walang mga lingkod na may dalang kadelaryo). Ipahahayag ang Exultet. Kapag may diakono, hihingi siya ng pagbabasbas mula sa tagapamuno. Maaaring hindi diakono ang umawit ng Exultet, maaaring pari o maaaring cantor, na hindi na kailangan ng pagbabasbas. Kapag cantor ang aawit, hindi niya babanggitin ang mga bahagi na hindi para sa kanya. Maaaring insensuhan ang Aklat ng Exultet bago ang pagpapahayag. Mananatiling nakatayo ang lahat habang hawak ang kanilang kandilang may sindi. Matapos ang Exultet, papatayin ng lahat ang kanilang dalang kandila at magsisiupo.

Liturhiya ng Salita

Ang Liturhiya ng Salita sa gabing ito ay alaala ng sinaunang gawain na magninilay sa Salita ng Diyos hangga’t kaya ng oras. Mayroong siyam na pagbasa na nagbabaliktanaw sa kasaysayan ng kaligtasan, una kaligtasan para sa bayan ng Israel, hanggang sa para sa Simbahan, at para sa bawat Kristiyano – sa pamamagitan ng tinanggap (at tatatanggaping binyag). Maaaring paiksiin ang Liturhiya ng Salita ngunit hindi dapat ito paiksin dahil lamang sa katamaran o sa pagmamadali. Ang pagbabago o pagpapaiksi dito ay maka-aapekto sa pagdanas ng anamnesis ng mga tao.

Sa unang pagbasa, matutunghayan ang kuwento ng paglikha, ang unang yugto ng kaligtasan. Sa ikalawang pagbasa, maririnig ang kuwento ng pag-aalay ni Abraham ng kanyang anak na si Isaac – kuwentong kahalintulad ng pag-aalay ng Anak ng Diyos ng kanyang sarili para sa sangkatauhan. Sa ikatlong pagbasa, hahawiin ng Diyos ang dagat para sa bayang Israel, nang makatawid sila at maligtas mula sa kamay ng mga Ehipto. Sa ikaapat na pagbasa, inangkin ng Diyos na parang asawa ang bayang hinirang niya at pinangakuang iibigin nang walang hanggan. Sa ikalimang pagbasa, ibinibigay ng Diyos ang kanyang pagpapala, at inaanyahahan ang mga nauuhaw at nagugutom na tanggapin ito mula sa kanya. Sa ika-anim na pagbasa, ipinagkakaloob ng Diyos ang kanyang Karunungan, ang Salitang nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Sa ikapitong pagbasa, ipinangangako ng Panginoon ang bagong buhay sa kanyang bayan na kanyang pagpapanibaguhin at lilinisin at pagkakalooban ng bagong puso at ng Espiritu upang mamuhay para sa kanya.

Sa pagbasa, maaaring magpakita ng angkop na larawan (hindi maaaring gumagalaw dahil maaagaw ang pansin sa pagpapahayag) sa projector para mas maintindihan ng tao ang binabasa.

Sa bawat pagbasa, may kasunod na Salmong Tugunan at panalangin. Mas gaganda ang pagdiriwang kung ang mga Salmong ito ay aawitin. Pareho ang mga pagbasa at salmo taun-taon kung kaya’t maganda kung makakapangalap ng piyesa ang mga parokya para dito para may magamit kada taon. Ang mga ihahaliling awit ay dapat halaw sa Salmo na nasa Aklat ng Pagbasa.

Aawit ng Gloria matapos ang panalangin sa ikapitong pagbasa. Sa nakagawian sa Pilipinas, sa puntong ito sisindihan ang lahat ng ilaw sa simbahan at gagayakan ang simbahan. Maaaring ipatong ang Aklat ng Mabuting Balita sa altar. Maaari ring insensuhan ang altar. Maaari rin na ikarakol (kung karaniwang ginagawa) ang imahe ng Pagkabuhay. Iwasan ang mga pagsasadula ng pagkabuhay at mga palabas na parang sa COD na kung saan ang imahen ay lalabas sa isang kuweba na may usok at mga tunog. Hindi sa isang punto sa pagdiriwang nabuhay muli si Kristo at kung may punto man, ito ay nang sindihan ang Kandila ng Pagkabuhay.

Ang Panalanging Pambungad ay ipahahayag ng tagapamuno matapos ang Gloria.

Sa ikawalong pagbasa na sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma, nararanasan ng Kristiyano ang kaligtasan sa binyag na kung saan namatay siya sa kasalanan at nabuhay muli kasama ni Kristo. Matapos ang pagbasa, aawitin ang Salmo na ang tugon ay Aleluya. Maaaring simulan ito ng tagapamuno gaya ng nakagawian sa Simbahang Romano. Ito ang tumatayong pagpaparangal sa Mabuting Balita. Magsisitayo na ang lahat at maaari nang iprusisyon ang Aklat ng Mabuting Balita. Ang Mabuting Balita ay patungkol sa di pagkakita ng mga babae sa bangkay ni Hesus sa bukas na libingan. Matapos nito, magbibigay ng homiliya.

Liturhiya ng Binyag

Napakahalaga ng Binyag sa pagdiriwang na ito dahil dito ipinakikita ang isang bagong buhay na hatid ng muling pagkabuhay ng Panginoon. Maaaring binyagan ang mga sanggol sa gabing ito, ngunit higit na makahulugan ang pagbibinyag sa mga may isip na. Ang mga catechumens ay hinubog sa loob ng 40 araw simula noong Miyerkules ng Abo. Nakiisa sila sa paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoon sa Binyag. Sa gabing ito, tanda ng pakikiisa kay Kristo, tatlong sakramento ang matatanggap ng mga binyagang nasa sapat ng gulang: ang binyag, kumpil at unang pakikinabang.

Ang lugar ng Binyagan o Baptismal Font ay dapat ihanda. Sa bawat simbahan ng parokya, napakahalaga ng lugar ng binyagan o baptismal font dahil ito ang sinapupunan ng Simbahan na kung saan ipinapanganak ang mga bagong miyembro nito. Ito ay hindi dapat isang palanggana na gawa sa metal o plastic, dapat ito ay may dignidad at kagandahan na nararapat sa kahulugan at kahalagahan ng Sakramento. Kung ang baptismal font ay hindi pa nababasbasan, ang gabi ito ay tamang oras upang gawin ang pagbabasbas.

Ang tubig pambinyag ay babasbasan sa gabing ito na siya namang gagamitin sa pagbibinyag di lamang sa gabing ito kundi sa buong Pasko ng Pagkabuhay. Iba ito sa Holy Water na pambabasbas ng mga imahen, bahay, at iba pa. Ito ay tubig na para lamang sa Binyag. May bibinyagan man o wala, dapat magkaroon ng pagbabasbas ng tubig ng binyag. Kung walang baptismal font na babasbasan at bibinyagan, ang pagbabasbas ng tubig ay gagawin kaagad.

Ang pagsamo sa mga Santo ay aawitin kung may bibinyagan. Hindi maaring magdagdag ng mga banal na tao na hindi pang idinedeklarang Santo ng Roma.

Bilang tanda ng ating pakikiisa sa misteryo ng Paskuwa ng Panginoon na ating natanggap noong tayo ay bininyagan, sinasariwa natin ang pangako natin sa Binyag: ang pagtalikod sa kasalanan at kasamaan at ang pagpapahayag ng pananampalataya sa Banal na Santatlo. Ang pagwiwisik ng tubig ng binyag ay gagawin din paalala ng ating binyag.

Sa panalangin ng bayan, ipapanalangin ang Simbahan, kaligtasan ng mundo, mga may tanging pangangailangan, ang pamayanan at ang mga bagong binyagan. Kasama dapat sa buong Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay ang luhog para sa mga bagong binyagan.

Ang Pagdiriwang ng Eukaristiya

Ang Eukaristiya ay ang ritwal na pag-alala sa pagpapakasakit at muling pagkabuhay ni Kristo kung saan tayo naligtas, samakatuwid, ang laman ng buong Triduo. Ang pagdiriwang nito ay hindi dapat madaliin at dapat mapatingkad. Maganda rin na magkaroon ng paliwanag sa mga bahagi nito para sa bagong binyagan.

Maaring anyayahan ang mga bagong binyagan na ihandog ang tinapay at alak sa paghahandog ng mga alay.

Kung gagamitin man ang Unang Panalangin ng Papuri at Pasasalamat, may natatanging panalangin na dapat maisama para sa gabing ito.

Sa paghahati ng tinapay at sa paganyaya sa pakikinabang, maaring banggitin ng paring tagapamuno pagkatapos ng “Ito ang Kordero ng Diyos…” ang ilang pananalita ng pagpapaliwanag para sa mga bagong binyagan, na tatanggap ng unang pakikinabang, ang kahalagahan ng pagtanggap sa Katawan ni Kristo.

Easter Blessing

Ang natatanging pagbabasbas para sa pagidiriwang na ito ay dapat gamitin upang maging lakas ng mga dumalo para isabuhay ang diwa ng misteryo ng Paskuwa sa mundong kanilang ginagalawan.

Salubong

Para mabigyan nang karapatdapat na pagpapahalaga ang Magdamagang Pagdiriwang na ito (dahil madalas, sapaw ang Salubong), maaaring idugtong sa hulihan nito ang Salubong, na isa lamang debosyon. Sa ganitong paraan, hindi rin magiging masyadong mabigat para sa mga lingkod sa parokya ang Pasko ng Pagkabuhay.

Palm Sunday

HISTORY
Palm Sunday marks the start of Holy Week. Since the first centuries of Christianity, the triumphant entry of Jesus into Jerusalem before his passion has been celebrated with particular solemnity. Depending on the branches used, the feast has been called Palm Sunday (from date palms), Willow Sunday (from pussy-willows, in Europe), or Flower Sunday (from early spring flowers, around Constantinople).
The blessed branches are carried home as a sacramental, as a visible symbol of Christ’s presence. They may be put over the main door, entwined on the crucifix or used to decorate an icon, as a “sign of salvation” and a “pledge of protection and blessing” during the coming year. On the eve of Ash Wednesday of the following year, they may be brought to church to be burned into the ashes that would be used the next day.
Outstanding homilies were delivered on this feast by the Church Fathers, the oldest being that of St. Methodius of Olympus (d.ca.311); among the most eloquent being those of St. Cyril of Alexandria (d. 444), St. Proclus of Constantinople (d. 447) and St. Sophronius of Jerusalem (d. 638).

PROCESSION
At a scheduled time, the congregation assembles in a secondary church or chapel or in some other suitable place distinct from the church to which the procession will move. The faithful carry palm branches and sing the antiphon “Hosanna to the Son of David, the King of Israel. Blessed is he who comes in the name of the Lord. Hosanna in the highest.” The priest and ministers, in red vestments for Mass, join the people in the antiphon. Then the priest gives an appropriate greeting and says a prayer, such as: “Almighty God, we pray you bless these branches and make them holy. Today we joyfully acclaim Jesus our Messiah and King. May we reach one day the happiness of the new and everlasting Jerusalem by faithfully following him who lives and reigns for ever and ever.” The priest sprinkles the branches with holy water in silence. Then the account of the Lord’s entrance into Jerusalem is proclaimed from one of the four gospels. After the gospel, a brief homily may be given. Before the procession begins, the celebrant or other suitable minister may address the people in words such as: “Let us go forth in peace, praising Jesus our Messiah, as did the crowds who welcomed him to Jerusalem.” The procession then begins. If incense is used, the thurifer goes first with a lighted censer, followed by the cross-bearer (with the cross suitably decorated) between two ministers with lighted candles, then the priest with ministers, and finally the congregation carrying branches. During the procession, an appropriate hymn is sung.

SOLEMN ENTRANCE
If the procession cannot be held outside the church, the commemoration of the Lord’s entrance may be celebrated before the principal Mass with the solemn entrance, which takes place within the church.
The faithful, holding the branches, assemble either in front of the church door or inside the church. The priest and ministers, with a representative group of the faithful, go to a suitable place in the church outside the sanctuary, so that most of the people will be able to see the rite.
While the priest goes to the appointed place, the antiphon Hosanna or other suitable song is sung. Then the blessing of branches and proclamation of the gospel about the Lord’s entrance into Jerusalem take place, as above. After the gospel, the priest, with the ministers and the group of the faithful, moves solemnly through the church to the sanctuary, while the responsory The Children of Jerusalem or other appropriate song is sung.
When the priest comes to the altar he venerates it, goes to his chair, and immediately begins the opening prayer of the Mass, which then continues in the usual way.
The passion is usually read as a narration and dialogue, with several readers. The part of Jesus is reserved for the priest. At the words announcing the death of Jesus, all kneel and pause a moment.

FREQUENT MISCONCEPTIONS
Palms may be blessed even on the evening preceding Palm Sunday. Sundays and solemnities begin on the preceding evening (General Norms for the Liturgical Year and Calendar, 3) therefore whatever is done on Sunday itself should also be done on the Saturday evening celebration of the Sunday Mass. Following the logic of those who claim it is unliturgical to bless palms on Saturday evening, we should also refrain from using liturgy for Sunday on Saturday evening. Saturday evening Masses are NOT anticipated Masses (which in itself is ridiculous to have) but Sunday Masses already.