Tuesday, February 27, 2007

DMLA Community Board

Sa pagtupad ng DMLA ng Vision-Mission nitong maging Bukal ng Kaalaman at Paghuhubog ukol sa Liturhiya tungo sa Pag-aalay at Pagpapabanal ng Sambayanan, kasalukuyang binubuo ang mga Formation Modules para sa lahat ng liturgical ministries at mga Guidelines para sa lahat ng liturgical ministries at lahat ng aspeto ng opisyal na pagsamba sa Diyosesis.

Sa liwanag nito, nais naming hikayatin ang lahat ng kasalukuyang may kinalaman at katungkulan sa mga liturgical ministries na magpadala sa DMLA ng kanilang mga mungkahi, komento at mga ideya para sa layuning pagbutihin ang buhay pagsamba sa Diyosesis at para sa kaayusan ng mga ministries at iba pang gawain sa Diyosesis.

Ang mga sumusunod ay mga gabay na katanungan para sa inyong ipadadala sa DMLA.

Ukol sa Paghuhubog

1. Sapat ba ang ginagawang paghuhubog sa Diyosesis? Kung oo, paano? Kung hindi, saan may pagkukulang?

2. Ano ang mga dapat matutunan ng bawat ministry?/Ano ang gusto niyong matutunan ng inyong ministry?

3. Paano higit na magiging epektibo ang paghuhubog na ginagawa sa antas ng Diyosesis?

4. Nagagamit at naipapasa ba ang mga natutunan sa Diyosesis sa antas ng parokya? Kung oo, paano? Kung hindi, bakit?

5. Mayroon bang mga isyu na may kinalaman sa paghuhunog na kailangang tingnan ng DMLA? Ano-ano ang mga ito?

Ukol sa Guidelines

1. Maliban sa pagsasabi kung ano dapat ang katangian ng mga ministry, mga tungkulin, mga limitasyon, patakaran sa pagsali, patakaran sa liturhiya at patakaran sa grupo, ano-ano pa ang dapat ilaman ng guidelines?

2. Ano-anong mga isyu o problema ang sa tingin ninyo na maaaring malutas ng guidelines?

3. Ano-ano pa ang maimumungkahi mo para sa guidelines?

Ipadala lamang ang inyong mungkahi sa opisina ng DMLA o sa pamamagitan ng email. Pakilagay lamang po ang pangalan, ministry/grupo at parokya.

No comments: