Q: Ano po ba ang puwedeng dalhin sa offertory? Puwede po ba ang bulaklak at kandila? Puwede din po bang dalhin ang mga kalis?
A: Ayon sa General Instruction of the Roman Missal (49 at 101), ang dinadala ng mga tao sa “offertory” procession ay bread and wine at gifts for the poor and the needs of the Church. Wala na itong binabanggit tungkol sa bulaklak at kandila o mga tiyak na mga puwedeng ialay. Kung magdadala po ng kahit ano sa “offertory,” isipin po muna kung ito ba ay puwedeng ibigay sa mahihirap o pumupuno sa pangangailangang totoo ng simbahan.
Ang kalis naman ay dapat nakahanda na sa side table sa may altar at dadalhin ito sa altar ng umaalalay sa pari.
Hindi rin dapat tayo nag-aalay ng bagay na babawiin din natin pagkatapos ng Misa.
Hindi rin maituturing na liturgical ang symbolic offering with or without explanation.
No comments:
Post a Comment